Leandro
Legarda Leviste

Leandro Legarda Leviste aspires to see the First District progress, just like the other districts of Batangas. A district where every sector of society is given due attention, and where every citizen receives the highest quality of public service.

In the 2025 elections, Batangueños gave their resounding trust to this shared aspiration. At just 32 years old, Leviste won a historic landslide as Representative of the 1st District of Batangas, garnering 268,764 votes—or 75% of the total. This is the largest margin against a sitting Congressman nationwide and the highest congressional vote count in Batangas history.

Leandro
Legarda Leviste

Leandro Legarda Leviste aspires to see the First District progress, just like the other districts of Batangas. A district where every sector of society is given due attention, and where every citizen receives the highest quality of public service.

In the 2025 elections, Batangueños gave their resounding trust to this shared aspiration. At just 32 years old, Leviste won a historic landslide as Representative of the 1st District of Batangas, garnering 268,764 votes—or 75% of the total. This is the largest margin against a sitting Congressman nationwide and the highest congressional vote count in Batangas history.

Cong Lean

Stay Updated

₱1,000 Allowance para sa 150,000 Estudyante, Ipinamimigay ni Leandro Legarda LevisteMatapos ipanukala na dapat bigyan ng allowance ang bawat mag-aaral sa Pilipinas, sinimulan ni Leandro Legarda Leviste ang pagbibigay ng ₱1,000 na allowance para sa mahigit 150,000 estudyante sa Unang Distrito ng Batangas gamit ang sariling bulsa. Sa pamamagitan ng kanyang Lingkod Legarda Leviste Foundation, namahagi si Leviste ng allowance sa mga mag-aaral sa elementarya at hayskul sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan ngayong Hulyo 11, 2025. Nakatakda na rin ang pamamahagi sa Calaca, Lemery, at Taal. Hangad ni Leviste na maipamahagi ang allowance sa lahat ng mag-aaral ng Unang Distrito ng Batangas bago matapos ang buwan—nang walang anumang gastos mula sa gobyerno. Ang hakbang na ito ay kasunod ng kanyang pagsusulong ng House Bill No. 27, na naglalayong magtatag ng isang National Student Allowance Program na magbibigay ng ₱1,000 allowance sa bawat estudyante mula kindergarten hanggang kolehiyo. Layon ng panukalang batas na matulungan ang bawat estudyante sa kanilang pangunahing pangangailangan sa pag-aaral gaya ng pagkain, pamasahe, at mga gamit sa eskwela, basta pumasok sa itinakdang minimum attendance. Bagama't may mga sumusuporta sa panukala dahil sa layunin nitong tugunan ang isang mahalagang pangangailangan, nahaharap ito sa hamon ng pagkukunan ng pondo sa gitna ng iba pang priyoridad ng pamahalaan. Personal na pinondohan ni Leviste ang student allowance sa kanyang distrito upang patunayan na ang pagbibigay ng tulong sa mga estudyante ay isang makabuluhang pamumuhunan para sa pamahalaan. Naniniwala si Leviste na makatutulong ito sa pagbuti ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral, sa pag-ahon sa kahirapan, at pag-unlad ng bansa. Ayon sa kanya, ang direktang pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral ay mas episyente, mas makatarungan, at mas epektibo kumpara sa ibang proyekto ng gobyerno, kaya’t ito ang naging sentro ng kanyang serbisyo publiko. Sa paglulunsad ng programa sa mga paaralan sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan, binigyang-diin ni Leviste ang katotohanang maraming estudyante ang naglalakad o bumabyahe ng malalayong distansya mula sa mga liblib na barangay upang makapasok sa paaralan. “Ang ibang bansa ay nagbibigay na ng libreng transportasyon at pagkain sa mga estudyante, subalit mas kailangan ito ng mga kabataang nasa mga lugar na wala pang ganitong tulong,” pahayag ni Leviste. “Ang paggasta para sa edukasyon ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng bansa, at sa pamamagitan ng pagbibigay ng allowance batay sa minimum attendance ng estudyante, nakatitiyak tayo na direktang nakikinabang ang mga estudyante sa pinaka-episyenteng paraan. Nawa’y ang tagumpay ng programang ito sa Batangas ay magsilbing ehemplo upang maisakatuparan ito sa buong bansa,” dagdag niya. “Ang kakulangan sa pangunahing pangangailangan ay hindi dapat maging hadlang sa pag-aaral ng kahit sinumang estudyante. Napakapalad ko sa buhay, at nais kong ibahagi ang aking natamo upang makatulong sa mga suliranin ng sektor ng edukasyon,” dagdag pa ni Leviste. Si Leviste, na kinikilalang pinakabatang bilyonaryo sa bansa, ay nagpasyang ituon ang sarili sa serbisyo publiko noong 2024 matapos ipagbili ang malaking bahagi ng Solar Philippines New Energy Corporation sa Meralco sa halagang ₱34 bilyon. Sa kasalukuyan, bilang isang mambabatas, nakatuon siya sa pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon sa layuning mawakasan ang siklo ng kahirapan sa Pilipinas. ... See MoreSee Less
View on Facebook
Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng libreng gamit pang-eskwela mula kay Leandro Legarda Leviste para sa mga mag-aaral sa bawat bayan ng Unang Distrito. Mahigit 150K school bags ang inihahatid ng Lingkod Legarda Leviste sa iba’t ibang eskwelahan. Abangan ang pagdating ng Lingkod Legarda Leviste upang maghatid ng mga gamit pang-eskwela para sa mga estudyante sa lahat ng bayan ng Unang Distrito.Bukod sa mga gamit pang-eskwela, itataguyod ni Leandro ang pagbibigay ng educational assistance para matulungan ang bawat estudyante na makapagtapos at magkaroon ng college graduate sa bawat pamilya. Gayundin ang pagpapalaki ng suporta sa edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at kabuhayan upang gawing pinakamaunlad ang Unang Distrito ng Batangas.#LeandroLegardaLeviste#LingkodLegardaLeviste ... See MoreSee Less
View on Facebook
Dapat bang bigyan ng allowance ang mga estudyante ng Unang Distrito ng Batangas? Paano ito makatutulong sa kanilang pag-aaral? 📖💡 ... See MoreSee Less
View on Facebook

News Highlights

FOUNDATION DAY AND KAMBINGAN FESTIVAL - 8

159TH FOUNDATION DAY AND KAMBINGAN FESTIVAL, TUY, BATANGAS!

Back to News HAPPY 159TH FOUNDATION DAY AND KAMBINGAN FESTIVAL, TUY, BATANGAS! Dumalo si Leandro Legarda Leviste ngayong araw sa selebrasyon ng 159th Foundation Day at Kambingan Festival ng bayan ng Tuy. Masayang nakasalamuha ni Leandro ang ating mga kadistrito at suportado niya ang pagdiriwang na nagtatampok sa turismo, kultura,

Read More »

Featured Video

Stay Connected

Stay Connected

Join us to get official updates about Leandro
Legarda Leviste projects and advocacies.
Scroll to Top