HAPPY 159TH FOUNDATION DAY AND KAMBINGAN FESTIVAL, TUY, BATANGAS!
Dumalo si Leandro Legarda Leviste ngayong araw sa selebrasyon ng 159th Foundation Day at Kambingan Festival ng bayan ng Tuy. Masayang nakasalamuha ni Leandro ang ating mga kadistrito at suportado niya ang pagdiriwang na nagtatampok sa turismo, kultura, sining, at naglalayong makatulong sa mga lokal na negosyo at kabuhayan ng mga taga-Tuy.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Leandro sa bawat bayan para sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto para sa lahat ng barangay ng Unang Distrito. Hangad ni Leandro na maibigay ang pinakamagandang serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan at matugunan ang pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan upang ang Unang Distrito ang maging pinakamaunlad na distrito sa buong Batangas.
Maraming salamat po. Paunlarin na natin ang Unang Distrito!