₱1,000 Allowance para sa 150,000 Estudyante, Ipinamimigay ni Leandro Legarda Leviste
₱1,000 Allowance para sa 150,000 Estudyante, Ipinamimigay ni Leandro Legarda Leviste Matapos ipanukala na dapat bigyan ng allowance ang bawat mag-aaral sa Pilipinas, sinimulan ni Leandro Legarda Leviste ang pagbibigay ng ₱1,000 na allowance para sa mahigit 150,000 estudyante sa Unang Distrito ng Batangas gamit ang sariling bulsa. Sa pamamagitan ng kanyang Lingkod Legarda Leviste Foundation, namahagi si Leviste ng allowance sa mga mag-aaral sa elementarya at hayskul sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan ngayong Hulyo 11, 2025. Nakatakda na rin ang pamamahagi sa Calaca, Lemery, at Taal. Hangad ni Leviste na maipamahagi ang allowance sa lahat ng mag-aaral ng Unang Distrito ng Batangas bago matapos ang buwan—nang walang anumang gastos mula sa gobyerno. Ang hakbang na ito ay kasunod ng kanyang pagsusulong ng House Bill No. 27, na naglalayong magtatag ng isang National Student Allowance Program na magbibigay ng ₱1,000 allowance sa bawat estudyante mula kindergarten hanggang kolehiyo. Layon ng panukalang batas na matulungan ang bawat estudyante sa kanilang pangunahing pangangailangan sa pag-aaral gaya ng pagkain, pamasahe, at mga gamit sa eskwela, basta pumasok sa itinakdang minimum attendance. Bagama’t may mga sumusuporta sa panukala dahil sa layunin nitong tugunan ang isang mahalagang pangangailangan, nahaharap ito sa hamon ng pagkukunan ng pondo sa gitna ng iba pang priyoridad ng pamahalaan. Personal na pinondohan ni Leviste ang student allowance sa kanyang distrito upang patunayan na ang pagbibigay ng tulong sa mga estudyante ay isang makabuluhang pamumuhunan para sa pamahalaan. Naniniwala si Leviste na makatutulong ito sa pagbuti ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral, sa pag-ahon sa kahirapan, at pag-unlad ng bansa. Ayon sa kanya, ang direktang pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral ay mas episyente, mas makatarungan, at mas epektibo kumpara sa ibang proyekto ng gobyerno, kaya’t ito ang naging sentro ng kanyang serbisyo publiko. Sa paglulunsad ng programa sa mga paaralan sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan, binigyang-diin ni Leviste ang katotohanang maraming estudyante ang naglalakad o bumabyahe ng malalayong distansya mula sa mga liblib na barangay upang makapasok sa paaralan. “Ang ibang bansa ay nagbibigay na ng libreng transportasyon at pagkain sa mga estudyante, subalit mas kailangan ito ng mga kabataang nasa mga lugar na wala pang ganitong tulong,” pahayag ni Leviste. “Ang paggasta para sa edukasyon ay isang pamumuhunan para sa kinabukasan ng bansa, at sa pamamagitan ng pagbibigay ng allowance batay sa minimum attendance ng estudyante, nakatitiyak tayo na direktang nakikinabang ang mga estudyante sa pinaka-episyenteng paraan. Nawa’y ang tagumpay ng programang ito sa Batangas ay magsilbing ehemplo upang maisakatuparan ito sa buong bansa,” dagdag niya. “Ang kakulangan sa pangunahing pangangailangan ay hindi dapat maging hadlang sa pag-aaral ng kahit sinumang estudyante. Napakapalad ko sa buhay, at nais kong ibahagi ang aking natamo upang makatulong sa mga suliranin ng sektor ng edukasyon,” dagdag pa ni Leviste. Si Leviste, na kinikilalang pinakabatang bilyonaryo sa bansa, ay nagpasyang ituon ang sarili sa serbisyo publiko noong 2024 matapos ipagbili ang malaking bahagi ng Solar Philippines New Energy Corporation sa Meralco sa halagang ₱34 bilyon. Sa kasalukuyan, bilang isang mambabatas, nakatuon siya sa pagsusulong