MARAMING SALAMAT PO NASUGBU, LIAN, AT BALAYAN!
Maraming salamat po sa lahat ng barangay officials at functionaries ng Nasugbu, Lian, at Balayan na nakasama natin ngayong araw, at sa lahat ng ating supporters sa buong Unang Distrito.
Patuloy na bumibisita si Leandro Legarda Leviste sa iba’t ibang barangays upang personal na magpasalamat sa tiwala at suporta ng mamamayan at makipagkonsultahan patungkol sa mga prayoridad na proyektong tutugon sa pangangailangan ng ating mga kadistrito.
Masiglang sinasalubong si Leandro at masayang-masaya ang mga mamamayan sa naging resulta ng matagumpay na halalan. Ngayong tapos na ang eleksyon, patuloy po tayong makikipag-ugnayan sa ating barangay officials para sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto sa bawat barangay at sitio ng Unang Distrito.
Sama-sama po nating ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan at tugunan ang pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan upang ang Unang Distrito ang maging pinakamaunlad na distrito sa buong Batangas.
Maraming salamat po. Paunlarin na natin ang Unang Distrito! 💙