MARAMING SALAMAT PO Calaca!

Maraming salamat po sa lahat ng barangay officials at functionaries ng 40 barangays ng Calaca na sumama na sa atin kahapon para paunlarin ang Unang Distrito, at sa lahat ng ating supporters na tumulong sa ating pagkapanalo sa Calaca.
 
Ngayong tapos na ang eleksyon, panahon na para magkaisa tayong lahat at magsisimula na po tayo ng pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto para sa bawat barangay ng Unang Distrito kasama ang Calaca. Dahil inihalal si Leandro upang paglingkuran ang lahat ng mamamayan ng Unang Distrito, lahat po ay welcome na sumama na sa atin para matulungan natin ang lahat ng mga barangay ng Unang Distrito, upang sa mga susunod na taon, 100% na ng ating distrito ang nagkakaisa sa ating kampanyang paunlarin ang Unang Distrito.
 
Sama-sama po nating ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan at tugunan ang pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan upang ang Unang Distrito ang maging pinakamaunlad na distrito sa Batangas.
 
Maraming salamat po. Paunlarin na natin ang Unang Distrito! 💙
Scroll to Top