MARAMING SALAMAT PO LEMERY AT TAAL!
Binisita ni Leandro Legarda Leviste ngayong araw ang iba’t ibang barangay ng Lemery at TAAL upang personal na magpasalamat sa tiwala at suporta ng mamamayan at makipagkonsultahan patungkol sa mga priyoridad na proyektong tutugon sa pangangailangan ng ating mga kadistrito.
Masiglang sinalubong ng mga mga mamamayan si Leandro at masayang-masaya ang bawat isa sa naging resulta ng matagumpay na halalan. Panalo si Leandro sa lahat ng bayan ng Unang Distrito kasama ang Lemery at Taal kung saan nakakuha siya ng malaking bilang ng boto.
Ngayong tapos na ang eleksyon, patuloy po tayong makikipag-ugnayan sa ating barangay officials para sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto sa bawat barangay at sitio ng Unang Distrito.
Sama-sama po nating ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan at tugunan ang pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan upang ang Unang Distrito ang maging pinakamaunlad na distrito sa buong Batangas.
Maraming salamat po. Paunlarin na natin ang Unang Distrito!