MARAMING SALAMAT PO TUY AT NASUGBU!
Maraming salamat po sa barangay officials, iba pang leaders, at supporters mula sa Tuy at Nasugbu, Batangas na nakasama natin ngayong araw. Patuloy po tayong iikot sa bawat bayan ng Unang Distrito upang personal na magpasalamat sa ating supporters. Ngayong tapos na ang eleksyon, patuloy po tayong makikipag-ugnayan sa ating barangay officials para sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto sa bawat barangay at sitio ng Unang Distrito.
Sama-sama po nating ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan at tugunan ang pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan upang ang Unang Distrito ang maging pinakamaunlad na distrito sa buong Batangas.
Maraming salamat po. Paunlarin na natin ang Unang Distrito! 
